NIYANIG ng magnitude 5.5 lindol ang Pangasinan ngayong gabi (Miyerkules), ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.Naramdaman ang lindol alas-6:25 ng gabi.
Posible umanong magkaroon ng aftershocks ang pagyanig na ito.
Ang epicenter nito ay anim na kilometro sa bayan ng Aguilar. May lalim itong 137 kilometro.
Nagdulot ito ng Intensity V paggalaw sa Villasis, Pangasinan; Intensity IV sa Baguio City; Intensity III sa Olongapo City at Dagupan City, Pangasinan.
Intensity II sa Subic, Zambales; Pasay City; Manila City; Mandaluyong City; Quezon City, Malolos, Bulacan; Guagua Pampanga; at Gapan City.
Intensity I naman sa Laoag City; Pasuquin, Ilocos Norte; Sinait, Ilocos Sur; at San Ildefonso, Bulacan.
MOST READ
LATEST STORIES