Pangasinan niyanig ng magnitude 5.6 lindol

NIYANIG ng magnitude 5.6 lindol ang Pangasinan ngayong gabi (Miyerkules), ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Naramdaman ang lindol alas-6:25 ng gabi.

Ang epicenter nito ay anim na kilometro sa bayan ng Mabini. May lalim itong 107 kilometro.

Nagdulot ito ng Intensity II paggalaw sa Malolos, Bulacan; at Guagua, Pampanga.

Intensity I naman sa Laoag City; Pasuquin, Ilocos Norte; at San Ildefonso, Bulacan.

Read more...