Pabrika ng goma nasunog

NASUNOG ang pabrika ng goma na ginagamit sa paggawa ng tsinelas at bota sa Quezon City kaninang umaga.

Alas-5 ng umaga ng magsimula ang sunog sa NSR Rubber Corp., sa Brgy. Baesa.

Mabilis na lumaki ang apoy dahil sa combustible materials na nasa loob kaya iniakyat ito kaagad sa ikalawang alarma.

Nagsimula umano ang sunog sa stock area. Inaalam pa ang sanhi ng sunog.

Tumagal ng halos dalawang oras ang sunog.

Nabatid na ito na ang ikatlong beses na nasunog ang pabrika mula noong 2014.

Read more...