Ang panty na ginamit ng lalaki ay kinuha umano siya sa sampayan ng pinasok na bahay sa Brgy. Bahay Toro noong Sabado.
Pinasok ng lalaki ang bahay ng biktima na ayaw magpabanggit ng pangalan at nagnakaw ng pera.
Para makatakas ay tumawid ito sa kabilang bakod kung saan mayroong CCTV kaya kumuha ito ng panty kanyang ipinantakip sa kanyang ulo bago muling umakyat sa bakod para makalabas.
Nabatid na hindi ito ang unang pagkakataon na may nanakawan sa lugar.
MOST READ
LATEST STORIES