Marami kasi ang pumuna sa ikalawang pagbubuntis ni Andi nang hindi pa kasal. Mismong ang aktres ang nag-announce sa madlang pipol na pregnant uli siya courtesy of her boyfriend surfer Philmar Alipayo.
Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Andi ang kanyang litrato kung saan makikita ang kanyang baby bump. Maraming nag-congratulate sa anak ni Jaclyn Jose at nagsabing sana raw ay maging healthy ang second baby niya.
Pero may ilang netizens ang nang-bad trip kay Andi. Ayon sa isa niyang follower, “sayang” daw siya dahil nabuntis na naman siya nang hindi pa rin kasal. Ang panganay niya ay si Ellie na anak naman ng dati niyang boyfriend na si Jake Ejercito.
Niresbakan siya ni Andi at sinabing wala itong karapatan para mangdikta kung ano ang dapat niyang gawin sa buhay. At masaya siya sa buhay niya ngayon lalo na sa kanyang pagbubuntis.
Mensahe ni Andi, “You are in no place to tell me how i should lead my life. More so, tell me that i am ‘sayang’ because i am happily pregnant at 28 yo.
“I dont expect nor intend for everyone to be pleased by how I see life, but your negativity is very unnecessary and you may feel free to click unfollow.”
Sinagot naman uli siya ng netizen at sinabing tagahanga siya ng aktres. Sana raw ay magtagal pa ang relasyon ni Philmar.
Ayon naman kay Andi, “I called you out because its such a shame when women bring other women down. Not because I am angry.”
Isa pang netizen ang nagtanong kung sino ba talaga ang tatay ng ipinagbubuntis ni Andi at kung kasal na ba sila? Tugon sa kanya ng aktres, “You needn’t be confused about not understanding the life of a person you absolutely do not know.”