Inflation rate sa bansa bumaba noong Enero

BUMABA noong Enero ang inflation rate o ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa.

Sa datos ng Philippine Statistic Authority naitala sa 4.4 porsyento ang inflation rate, mas mababa sa 5.1 porsyento na naitala noong Disyembre.

Pero ito ay mas mataas sa 3.4 porsyento na naitala noong Enero 2018.

Ang 4.4 porsyento rin ang pinakamataas sa nakalipas na limang taon—1.5 porsyento noong Enero 2015, 0.7 porsyento noong 2016, at 2.5 porsyento noong 2017.

Patuloy ang paghupa ng pagtaas ng bilihin sa National Capital Region na naitala sa 4.6 porsyento noong nakaraang buwan na mas mababa sa 4.7 porsyento na naitala noong Enero 2018.

Pinakamaliit naman ang inflation rate na naitala sa Cordillera Administrative Region (3.1 porsyento), at ang pinakamataas naman ay sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (6.1 porsyento).

Read more...