BUMUWELTA si Hashtag Jameson Blake sa mga netizens na nagreklamo tungkol sa pagsingit niya sa pila sa nakaraang concert ng K-Pop group na BlackPink sa MOA Arena.
Kumalat ang video ng Kapamilya actor sa social media na ipinost ng isang fan ng BlackPink sa Twitter kung saan makikita ang binata na wala sa pila at papasok na sa venue ng concert.
“Jameson Blake of Hashtags is here. Lahat ng fans nakapila based sa queue, but look at him. Wala man lang kahirap-hirap. Hindi nagjo-join sa queue. So ano? Porket artista? All of us waited an hour sa init at siksikan just to get in line. (Sorry pangit ng boses ko. Lol!” ang caption na nakalagay sa video.
May netizen naman ang nagsabi na hindi raw pumila ang aktor kahit may hawak na itong queue number, na pang-500 daw ito sa pila. Pinariringgan pa nga siya ng ilang nasa pila pero dedma lang ang aktor.
“Fans were also chanting ‘Pumila!’ still nothing. He was talking to the security and mmi staff and showed his queue number pero wala pa rin. Didn’t get in line. We asked mmi staff kung hindi ba sya pipila and the staff said hindi sya ilalagay sa queue nya dahil baka dumugin sya,” tweet ng isa pang netizen.
Nagpaliwanag si Jameson tungkol sa pangyayari at ipinagtanggol ang sarili sa pambabatikos sa kanya. Sa tweet ng binata, sinabi nitong pagdating nila sa labas ng venue, ipinakita nila sa mga guard ang hawak na queue numbers.
Ang advice sa kanila, doon muna sa isang gilid ng entrance habang hinihintay ang kanilang numero. Ani Jameson, “We got there and showed our queue number.
“The organizers, guards, the people in charge told us to stay by the side but we were still part the line.
“We just waited til’ it was our turn to get in. We were just following rules.”