NADAGDAGAN pa ang mga personality na nadamay sa kasong isinampa ni Kris Aquino laban sa dati niyang business manager na si Nicko Falcis.
After Gretchen Barretto, ang talent manager namang si Lolit Solis ang nasali sa isyu.
Sa isang website naman, ilang netizens ang nagbanggit sa pangalan ng Asia’s King of Talk na si Boy Abunda at kay Vice Ganda. Diumano, nanahimik daw ang dalawang malalaking personalities na dating malapit kay Kris at ‘di man lang magawang ipagtaggol ang dating Queen of All Media.
Tila nais pa yata ng naturang blogger na “makisawsaw” si Kuya Boy sa kaso nina Kris at Nicko at sa isyu sa pagitan nina Tetay at Gretchen. Sorry but that’s not Kuya Boy’s cup of tea, ang makisawsaw.
Besides, sa sobrang kabisihan ni Kuya Boy baka nga wala siyang ideya sa pinakaugat ng away nina Kris at Greta.
According to a source, ilang taon na raw na ‘di nakikita ni Kuya Boy sina Kris at La Greta. Bagaman paminsa-minsan ay nagte-text daw si Kris sa kanya ‘pag merong itatanong. ‘Yan ay sa kabila ng ginawa ni Kris sa kanya.
Base kasi sa inilahad ni Nicko Falcis sa kanyang affidavit, ipinaalam daw ni Kris na kailangan niya ng bagong agent dahil hindi na raw siya nire-represent ng dalawang talent agents na nagha-handle sa kanyang TV/movie career and endorsement contracts.
Obviously, ang tinutukoy ni Kris dito ay ang dati niyang manager at ABS-CBN executive na si Deo Endrinal. Habang si Boy Abunda naman ang agent niya for endorsements.
In fairness kina Deo at Kuya Boy, si Kris ang umalis sa kanilang pangangalaga. May tsika pang nakarating sa amin na deeply hurt daw si Deo nu’ng bigla siyang kalasan ni Kris.
And for Kuya Boy, never naman kinonsider ng King of Talk na “kliyente” si Kris kundi isang kaibigan. For the record, walang nabalitang anomalya or isyu sa pera nu’ng si Kuya Boy pa ang nagha-handle ng endorsements ni Kris.
Sa ilang kwentuhan namin ni Kuya Boy in the past, diretso kay Kris ang pera bilang bayad sa kanya sa nakukuha niyang endorsement. And then, saka pa lamang ibibigay ni Kris kay Kuya Boy ang kanyang komisyon.
So nu’ng kumalas na si Kris kay Kuya Boy, malinis na nai-turn-over lahat ng record and documents ng mga endorsement sa kanya ng TV host.
During Deo’s time naman bilang manager ni Kris, ‘di na kailangang sabihin pa ang mga nagawa nito sa kanyang career for 22 years. Kaya nga siya binansagang Queen of All Media, ‘di ba?
After Deo, lumapit si Kris sa generous, kind and soft-spoken na si Tony Tuviera. Si Mr. T (sa mga ka-close niya sa showbiz), ang nagmamay-ari ng Triple A kung saan pumirma ng managerial contract si Kris. Siya rin ang president and CEO ng APT Entertainment.
But according sa affidavit ni Nicko, ilang buwan lang daw ang lumipas at napabalitang umalis na si Kris sa Triple A sa hindi malinaw na dahilan.
Ang basa namin diyan, baka na-disappoint si Kris dahil ‘di naman siya nakagawa ng show sa alinmang TV network at nainip na. Kaya may-I babu agad siya sa Triple A. Kaya kung masama man ang loob sa kanya ni Tony hanggang ngayon, maiintindihan namin.
And then, kinuha naman niya si Erickson Raymundo ng Cornerstone para i-manage ang kanyang career. But up to now, ‘di pa rin napapanood si Kris sa TV. Kaya wag magtaka if one of these days ay biglang ‘di na rin si Erick ang manager ni Tetay.
Nakakapanghinayang kung iisipin ang mga taong kinalasan ni Kris na siyang tunay na nagki-care at nagmamahal sa kanya.