Netizen galit na galit kay Boy Abunda: Basta mo na lang iniwan si Kris na parang basahan

KRIS AQUINO AT BOY ABUNDA

MUKHANG grabe ang galit ng isang guy named Jose Larry Hermoso II kay Boy Abunda.

He recently posted an article on Facebook titled “MAGKANO?” by Khulafu Lapulapu which took a jab at the TV host. Basag na basag si Boy sa article.

“Ang mga larawan at artikulo sa baba ang magpapatunay kung sino siya.

“Di nya pwedeng ikaila ang mga kwento sa baba. Nangyari lahat, di mga kwentong barbero lang. Sya na mismo ang naglaglag sa sarili nya.”

Ayon sa netizen, basta na lang daw iniwan ng TV host si Kris Aquino at ilang politiko na pinagkakitaan niya ng limpak limpak na pera.

Binanggit ni Hermoso ang mga pangalan nina Manny Villar, former President Noynoy Aquino at Mar Roxas. Ang tanong niya, magkano ang kinita niya mula sa mga nabanggit na politicians.

“Tinuring syang pamilya ng mga Aquino. Di na ibang tao. Naging BFF nya si Kris, pero iniwan nya rin sa ere. Remember the hummer ni Kris na nabalitang binigay ni Kris kay Boy Abunda? Hindi po un binigay ni Kris na kusa.

“HININGI po un ni Boy Abunda kay Kris. Dahil ubod ng bait ni Kris kay Boy, binigay agad ito ni Kris. Pero nasan ngayon si Boy sa buhay ni Kris? Nganga na. Wala na. Iniwan si Kris na parang lumang basahan.

“After ng term ni Pres. PNoy, si Mar Roxas naman ang sinuportahan ni Boy Abunda sa 2016 Presidential Elections. MAGKANO?”

He also questioned Boy’s support sa Duterte government nang matalo naman si Mar Roxas.

“Sa Bottomline na show ni Boy, very obvious na pag ang guest nya ay identified with Duterte, dun sya kampi. Sa the Bottomline episode nung Feb. 2, 2019, guests nya ang mga senatorial candidates na mga manok ni Duterte.”

“Pati pananamit mo napuna. Feeling bagets ka daw sa pananamit mo. Di bagay sa yo. gurang ka na daw!

“Maarte. Exaggerated. Para sa akin, kung ano ang reaksyon at galit ng mga Pilipino sa yo ngayon ay sya ring damdamin ko rin ngayon sa yo.

“Ngayon, balik Villar ka na naman. Ang asawa naman ni Manny Villar ang kinakampanya mo. Resibo? Ang campaign ad ni Cynthia Villar sa TV.”

“P.S. Pigilan mo ang artist mong si Gretchen Barretto sa paninira kay Kris.

“Di bat ikaw at ang partner mo sa buhay ang may ari ng Asian Artist Agency kung saan under si Gretchen? Nakinabang ka ng todo before kay Kris financially.

“Dati mong BFF si Kris, konting concern nman at respeto. Hwag mong hayaan na babuyin ng artist mo na si Gretchen si Kris Aquino!”

‘Yan ang nakakalokang aria ni Jose Larry against the TV host. Any comment, Boy? Bukas ang pahinang ito para sa iyong side.

 

Read more...