Ilocos Sur nilindol

NIYANIG ng magnitude 4.8 lindol ang Ilocos Sur kagabi.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-8:55 ng gabi.

Ang epicenter nito ay isang kilometro sa kanluran ng Bauguen at may lalim na 84 kilometro.

Naramdaman ang Intensity IV sa Santiago, Ilocos Sur; Currimao at Badoc, Ilocos Norte.

Intensity III sa Vigan City, Sinait, Magsingal, San Vicente, Cervantes, San Ildefonso, Burgos, Caoayan, San Esteban, Sigay, San Juan, San Emilio at Nagbukel sa Ilocos Sur.

Intensity II naman sa Baguio City at Intensity I sa Dagupan City.

Read more...