Angel ‘biktima’ ng kalokohan sa socmed: Sige, basagin ang sarili!


HINDI na nagawang magalit ni Angel Locsin matapos gawing katatawan ang mga eksenang umiiyak siya sa The General’s Daughter, sa katunayan ni-repost pa niya ito sa kanyang social media account.

Ini-screen shot kasi ang mga kuhang umiiyak ang aktres at nilagyan ng kung anu-anong caption ng mga netizen. Ang mga nasabing eksena ay kuha nang bumalik siya sa isla kung saan siya napadpad matapos makipagsagupaan sa mga kalaban.

Base sa post ng aktres, “(Part 1). ‘Yung pinagtripan n’yo na talaga ‘yung pinaghirapan naming scene para sa memes, noh?!? Naku, naku kayo talagaaaaa. Kung ano-anong nakikita kong memes para sa scene na to, lol! Well, if you can’t beat them, join them, ika nga nila so, eto basagin ang sarili.

“Eto po yung mga pinaggagagawa ho nila sa akin! share ko dito yung iba. Enjoy guys! Don’t forget to watch #TheGeneralsDaughterlater!” dagdag na mensahe ni Angel.

Ito naman ang caption ni Angel sa isang screenshot kung saan lukot ang kanyang mukha dahil umiiyak sa galit, “Yung pinagtitripan nila ang picture ko para makagawa lang ng memes! ‘Yung naka-book ka na pero hindi ka pinayagang mag-leave; ‘Yung nagtira ka ng pagkain pero inubos nila; Hindi na nga naalala ni sir ‘yung assignment, eh, tapos pinaalala pa niya, buwiset!”

Hindi rin pinalampas ang isang eksena nila ni Maricel Soriano na may caption na, “Anak, naligo ka ba? (sabay amoy ng ulo), parang hindi naman.” Na sinagot naman ng karakter ni Angel ng, “Hindi ko ho binabasa ulo ko, ang lamig ng tubig.”

At sa photo kung saan tinutukan siya ng baril ng tatay niya sa seryeng si Tirso Cruz III, “Maliligo ka o hindi?” at sinagot ng aktres ng, “Maliligo na ho.” May hirit pang, “Yung ayaw mo maligo kasi malamig, iiyak ko na lang!”

May part 2 pa ang kuhang umiiyak ulit si Angel at hawak-hawak ang ulo ng dalawang kamay, “Yung wala kang maintindihan sa lecture ng teacher mo; ‘yung wala ka na ngang pera puro palibre pa sila sa ‘yo; ‘Yung tumama ang hinliliit mo (larawang tinamaan ng kahoy ang kaliwang hinliliit).

“‘Yung feeling na hiniwalayan ka, February 13 pa talaga; ‘Yung ang dami mong ni-review ni isa wala pala sa exam; ‘Yung sinisilip mo muna ‘yung classroom niyo bago ka pumasok (larawang nakatakip ang mukha), ‘Yung bagsak ka na nga tapos ia-announce pa yung score; ‘Nang sinabihan kang ang pangit mo; ‘When you don’t get candy and flowers on Valentines Day.”

Actually napakarami pang memes ng The General’s Daughter ang naglabasan sa social media pero hindi na namin inilagay lahat dahil hindi na kasya sa espasyo ng aming column.

Aliw din ang mga reaksyon ng netizens na nabasa namin na umabot na sa 2,391 habang sinusulat namin ito. Anila talagang inaabangan nila ang bawat episode ng The General’s Daughter.

Read more...