Kim Domingo ayaw nang magbilad ng katawan

KIM DOMINGO

SORRY  na lang sa mga naglalaway at nagpapantasya sa Kapuso sexy star na si Kim Domingo.

Nagdesisyon na ang dalaga na huwag nang masyadong magpakita ng katawan sa kanyang mga projects.

Sa kanyang birthday last Sunday, Feb. 3, nagpasalamat si Kim sa lahat ng mga blessings na natanggap niya nitong mga nakaraang taon.

Aniya sa kanyang Instagram post, “Happy Birthday to me! Thank you, Lord, sa another year na punong-puno ng blessings ?”

Bago ito, ibinandera ni Kim sa kanyang social media accounts na babawasan na niya ang pagpapaseksi dahil nais daw niyang mas makilala ngayon bilang aktres.

“Isang taon na din ang nakakaraan nung mapagisip isip ko na i want something new, something na mas magiging masaya ako, something na mas maipapakita ko kung anong kakayahan ko bilang artista.

“Ayokong manatili ako sa imahe na puro pagpapasexy nalang ang ginagawa ko, mas gusto ko makita ng mga tao na si Kim Domingo ay hindi lang puro pagpapakita ng katawan ang alam gawin. Alam ko sa sarili ko kung ano ang kakayahan ko,” chika ni Kim.

Read more...