Luis, Jessy na-bad trip sa 2 epal na basher: Wow! Kayo pala ang may alam sa kasal ng ibang tao?!

NA-BAD trip ang magdyowang sina Luis Manzano at Jessy Mendiola sa mga pang-aasar ng netizens tungkol sa kanilang relasyon.

May mga bashers kasi na nagsabing hindi naman daw pakakasalan ni Luis si Jessy. Huwag na raw umasa ang dalaga na magpo-propose sa kanya ang TV host-comedian.

Sa kanyang Instagram account kamakailan ay nag-post si Jessy ng preview ng latest vlog entry niya. Dito, tinanong ni Jessy ang kapatid kung feeling ba niya ay magkakatuluyan sila ni Luis.

Dito na umariba ang ilang netizens sa pangnenega kina Jessy at Luis, ayon sa isang hater, “Ayaw kasi syang pakasalan ni Luis, kung pakakasalan yan matagal na sana.”

Sagot naman ng isa, “Korek! Wag kna umasa @senorita_jessy kc kung talagang mahal ka nyan ayain kn magpakasal (peace sign emojis).”

Hindi ito pinalampas ng magdyowa, talagang niresbakan nila nang bonggang-bongga ang dalawang basher.

Bwelta ni Jessy, “Wow kayo pala ang mag determine sa kasal ng ibang tao. Kakaiba, mas marunong pa kayo sa mismong nasa relasyon.”

Ito naman ang banat ni Luis, “So dapat kami mag aadjust sa time table na gusto niyo? Hahahahaha, yung totoo sana… yung kabobohan niyo na naman bayan o sa inyo nagsimula yan?

“Ganito nalang ____ (handle name ng unang netizen), ang pakialaman mo buhay ni ___ (second netizen) at siya sa buhay mo, para di na kami makialam sa away ng mga bobo,” dagdag ni Luis.

Hindi pa rin nagpatinag ang isang netizen at muling humirit ng, “Tagal nyo na bakit d pa kau mag plan ng kasal.. mamaya makakita pa si Luis ng iba.”

Tugon ni Jessy, “May tamang panahon yang kasal. Di naman minamadali ang ganong bagay. Relax ka lang. chill (kiss emoji).”

Read more...