Lalaking bumili ng noodles patay matapos barilin ng may-ari ng tindahan sa Quezon

PATAY ang isang lalaki na bumili ng noodles matapos barilin ng may-ari ng tindahan sa bayan ng Gumaca sa Quezon bago maghatinggabi noong Linggo, ayon sa pulisya.

Sinabi ni Senior Supt. Osmundo de Guzman, Quezon police director na bumibili ng noodles si Boyet San Buenaventura, 37, sa isang tindahan na pinapatakbo ng suspek na Jessie Mark Batugon, 19, sa Barangay Progreso ganap na alas-10:30 ng gabi.

Habang bumibili, kinompronta ng biktima si Batugon, na kayang inakusahan ng pagnanakaw ng kanyang uling, sabi ni De Guzman.

Matapos mairita sa akusasyon, bumunot ang suspek ng isang homemade caliber .22 revolver at binaril ang biktima sa likod habang paalis ng tindahan.

Nagtamo ang biktima ng tama sa kanyang batok at nasawi habang dinadala sa San Diego Hospital.

Narekober ng mga pulis ang baril, bagamat tumakas naman ang suspek.

Read more...