SINAKSAK umano ng 15-anyos na menor-de-edad ang isang Grade 11 na estudyante ng Malabon City, matapos umanong matalo ang suspek sa kanilang suntukan noong Linggo ng gabi.
Iniulat ng Malabon City Police na nag-away ang isang alyas Tambol at 16-anyos na biktima ganap na alas-11 ng gabi bagamat natalo ang suspek sa nangyaring suntukan.
Idinagdag ng pulisya na kapwa umuwi na ng bahay ang dalawa, bagamat naghamon muli ang suspek sa biktima para sa isa pang suntukan ganap na alas-11:45 ng gabi, kung saan nangyari ang pananaksak.
Sinaksak ni Tambol ang biktima sa likod ng dalawang beses, na natunghayan ng dalawa sa mga kaibigan ng biktima, ayon sa pulisya.
Dinala ang biktima sa Tondo Medical Center. Tambol, samantalang agad na tumakas ang suspek matapos ang insidente, ayon kay Senior Supt. Jessie Tamayao, commander ng Malabon City Police Station.
Sinabi ni Tamayao na personal na isyu ang pinag-awayan ng dalawa na magkaibigan din.
Idinagdag ni Tamayao na wala namang planong magsampa ng kaso ang mga magulang ng biktima.
Iginiit naman ni Tamayao na magpapatuloy pa rin ang paghahanap ng pulisya laban sa mga suspek.