NANANATILING positibo sa red tide ang walong probinsya, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.
Ayon sa pagsusuring isinagawa ng BFAR at lokal na pamahalaan, positibo pa rin sa red tide ang Matarinao Bay sa Eastern Samar; Cancabato Bay; Tacloban City sa Leyte; Lianga Bay sa Surigao del Sur; coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Puerto Princesa Bay, Puerto Princesa City, Palawan; aat coastal waters ng Pampanga at Bataan (Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Orani, Abucay at Samal).
“All types of shellfish and alamang gathered from the area are not safe for human consumption,” saad ng advisory ng BFAR.
Maaari namang kainin ang isda, pusit, hipon, at alimango na makukuha sa mga lugar na nabanggit basta kailangang ito ay sariwa, aalisan ng laman -oob at lulutuing mabuti.