Celine Dion sumobra ang kapayatan, Pinoy fans nag-alala

(Celine dion photo credit: Splash News/Celine Dion Life)

VIRAL ngayon ang mga litrato ng international singer na si Celine Dion kung saan kitang-kita ang sobrang kapayatan nito.

Sa ilang Instagram photos ni Celine na kumalat sa social media very obvious ang pagbagsak ng kanyang katawan kaya naman alalang-alala ngayon ang kanyang mga supporters all over the world.

May mga Pinoy fans na nagtanggol sa 50-year-old French-Canadian singer laban sa mga bashers online. Ayon sa kanila, namayat nang husto si Celine matapos mamatay ang kanyang asawa at kapatid. Posible rin daw na may anorexia ang award-winning singer.

Ilang netizens din ang nakiusap na tigilan na ang pagkukumpara sa itsura ngayon ni Celine kay Mariah Carey. Ang sigaw nila, “Please stop bodyshaming!”

Samantala, sa panayam ng U.K.-based newspaper na The Sun kay Celine sinabi nitong wala siyang pakialam sa mga nanglalait sa kanya, “If I like it, I don’t want to talk about it. Don’t bother. Don’t take a picture.”

Dugtong pa ng singer na nagpasikat ng kantang “My Heart Will Go On”, “I’m doing this for me. I want to feel strong, beautiful, feminine and sexy.”

Wala rin daw siyang panahon sa mga body shamers, “If you like it, I’ll be there. If you don’t, leave me alone.”

Last year naganap ang kauna-unahang concert ni Celine Dion sa Pilipinas na pinanood ng libu-libong Filipino.

Read more...