Silang mga mukhang pera

HINDI ko malaman kung maiinis ako o magmumura sa nangyayaring “stand-off” ng Senado, House of Representatives at Malacanang sa P3.757 trillion national budget ngayong 2019.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, kung hindi malulutas, ang mangyayaring “reenacted budget” ay sisira ang ekonomya.
Iba’t ibang terminolohiya ang ginagamit sa pork barrel projects, “line-item appropriations” o “budgetary allocation” ang tawag ng mga kongresista. Sa mga senador ay “institutio-nal amendments” o “fund insertions”. Ang Malacanang sa pama-magitan ni Budget Secretary Benjamin Diokno ay “parked funds” sa DPWH, DTI, PNP, DEPED at iba pa.
Nagliliparan ngayon ang mga akusasyon. Ang sabi ng mga senador, bawat kongresista ay meron daw tig-P160 million na pork barrel projects. Sagot ng mga kongresista, bawat senador ay merong tig-P7 bilyon na pork barrel sa kabuuang P190 bil-yon “realignment” nito sa iba’t ibang ahensya.
Pati si Senador Ping Lacson ay meron ding P50 bilyong “institutional amendments” na umano’y walang “ite-mized list of expenditure”. Ayon naman kay Lacson, P14 bilyon dito ay para sa pagbuo ng bagong Armed Forces brigade.
At dahil hindi magkasundo, naghamon si Senate President Tito Sotto na gawing reenac-ted budget na lang ang 2019. Pero, ang Malacanang, nagdeklara na kailangang iwasan ito.
Unang-una, kaila-ngan ng budget para sa May elections bukod pa sa mga alokasyon para sa Build Build Build projects. Kaya asahan ngayon ang “one for you-one for me” sa Bicameral conference committee” ng mga senador at kongresista sa mga susunod na araw.
Bawat panig siyempre ay ipipilit ang kanilang pork barrel. Tandaan natin. tig-P7 bil-yon sa bawat senador at tig-P160 milyon sa bawat kongresista. Isama pa natin diyan ang “parked funds” ni Budget Sec. Diokno at Malacanang.
At tulad ng dati, si-guradong magkakasundo ang dalawang panig kasama na ang Palasyo. At ang masakit, ang pinagpipistahan nila ay mga taxes na dugo’t pawis ng nagtatrabahong mga Pilipino. Masakit talaga sa bayan, dahil maliwanag na i-pinagbawal na ng Korte Suprema ang lahat ng uri ng pork barrel lalo na ang pakikialam ng mga kongresista at senador sa mga bidding ng kanilang mga “pet projects”, pero sa halip na mabawasan, parang lumala ito sa Duterte administration. Isipin ninyo, nagbangayan noon pang Disyembre at nabulgar sa publiko ang mga “baho” ng mga kongresista, mga “senador” pati DBM.
Nagmatigasan ang mga inihalal nating mararangal na con-gressman, senador at Cabinet members na kahit Malakanyang ay hindi na pinakinggan.
Maliwanag ang mga motibo. Kung lumusot ang “line item appropriation” ng bawat kongresista na tig-P160 mil-yon, meron silang kickback na tig-P16 milyon sa 10 percent.
Siyempre, may mga House officials na higit P1 bilyon ang alokas-yon, na siyempre mas malaki ang kita. Sa mga senador, 10 percent ng tig-P7 bilyon na “institutional amendments” ay tig-P700 milyon sa 10-percent na komis-yon.
Pati, executive branch tulad ng DBM, nagpapa-bidding na rin. At nito ngang 2018, halos P198 bilyon contracts kasama ang P168 bilyon DOTR projects ang isinagawa nila.
Hindi dapat ay DOTR ang magbi-bidding dito lalo’t sila ang “end user” o gagamit ng mga proyekto? Bakit DBM? Tingin niyo ba wala ritong “komisyon” sa DBM?
Sa totoo lang, na-patunayan natin magkakamukha silang lahat pagdating sa serbisyo publiko. Mga senador, congressman, at DBM, lahat sila mga “mukhang pera”.

Read more...