‘Kissing scene’ nina Matteo at Sarah sa concert trending

HASHTAG #DyowaGoals talaga ang peg ngayong Year of the Pig nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na muling nagpasabog ng kilig nitong nagdaang weekend.

Naganap ang nakakakilig na eksena ng dalawa sa “MatteoXCarlo The Repeat” concert nitong Sabado. Sabi nga ng ilang fans na nanood ng concert, bihira nilang makita ang magdyowa sa kanilang mga PDA (public display of affection) moments.

Sa isang bahagi kasi ng concert, habang kmakanta namigay ng mga rose si Matteo, kasama ang co-performer niyang si Carlo Aquino, members ng audience.

Nang isa na lang ang natitiramg rosas sa kamay ni Matteo, lumapit na siya kay Sarah at iniabot ang bulaklak sabay halik sa noo ng Pop Royalty. Dito na nagsigawan at nagpalakpakan ang audience.

Mas lalo pang lumakas ang tilian nang magtitigan ang magdyowa. Hinawakan ni Matteo ang baba ni Sarah sabay pisil sa kamay nito saka ngumiti nang pagkatamis-tamis bago bumalik sa stage.

Ayon sa ilang nakasaksi, feeling talaga nila engaged na ang dalawa at naghihintay lang ng tamang pagkakataon para ibandera ito sa buong universe. Limang taon nang magkarelasyon sina Matteo at Sarah at last September ay sa Italy sila nag-celebrate ng kanilang 5th anniversary.

Read more...