Julia pinayuhang wag magparetoke ng boobs: Lulusog din yan kapag…


WALANG pagkapikon si Julia Barretto nang bigyan siya ng moniker ng isang fan.
“Long live the queen of the flat chested community @BarrettoJulia.”

That was one fan’s aria sa social media. Julia gamely welcome the tag and said, “You may call me that.”

Nag-ugat ang lahat sa isang interview ni Julia sa show ni Boy Abunda where she said that she is a member of the Nipple Tape community. This was after admitting na hindi siya nagba-bra at palaging naka-nipple tape lang dahil walang kakapitan ang bra sa liit ng kanyang boobs.

Nag-react naman ang fans ni Julia.

“PERO SYA NAMAN SI JULIA BARRETTO ANG ISA SA PINAKAMAGANDANG MUKHA SA BALAT NG LUPA. MAMATAY KAYO SA INGGIT!!!”

“So what? Maganda naman.”

“Hindi naman katulad ng iba “HiPOn!”

“Ok lang kahit maliit basta ORIGINAL at walang pinaretoke!”

“So what kung flat chested maganda naman siya mamaya nyo magpalaki pa yan maging mitsa pa ng karamdaman. ok lang yan Julia wag mo sila intindihin. Lalaki din yan pag nag asawa at nagkaanak ka.”

q q q

Laugh nang laugh ang netizens kay Suzette Something dahil huling linggo na ng teleserye nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo.

Si Suzette ang may original concept ng soap na pinagbibidahan ng dalawa. Sadly, hindi siya nakatulong para magtagal ang show. Nilamon kasi sila nang buong-buo at pinakain ng alikabok ni Coco Martin. Hindi kinaya ng pinagsamang powers nina Dennis at Dingdong ang FPJ’s Ang Probinsyano kaya naman goodbye sa mga fungi ang drama nito sa ere.

Ang masakit pa nito, nadamay si Dingdong sa kamalasan ni Aling Suzette.

Thrice nang tinibag ng Ang Probinsyano ang show ng actor. ‘Yung una’y ang dalawang version ng Alyas Robinhood. With that, may bagong moniker si Dingdong. Instead of Primetime King ng Siyete ay Floptime King of GMA Teleserye ang tawag sa kanya.

“Ngayon aling Suzette alam mo na, ayaw ng mga tao sa bagong putahe mo. Arogante kasi ang datingan mo sawsawera queen. Hahahahaha!”

“Ayaw man sabihin ni Dingdong at ni Dennis masakit isipin papalitan sila agad pero ganun talga. pero mas masakit ata talaga para sa kanila na ang papalit lang ay KaraMia. Nakakainsulto yun sa tinaguriang primetime kings daw ng GMA.”

“Kumusta mga kapushiiittt akala ko ba yun ang magpapataob kay Cardo? Jusko puro na lang kse yabang. Looking forward sa papalit. Balita ko tatapusin na ang Probinsyano dis year malamang sasabihin ng mga kapuso kaya tinapos dahil natalo ng katapat.”

Read more...