“My reactions to my passing away. I will ask God first if I… if He’s available for interview kasi pupunta na ako ‘dun. Ano mga mensahe ninyo? Dadalhin ko pari, obispo, lahat. And yung last wish ng mga durugista, ilista ninyo. Ako na ang magdala doon sa langin o sa impyerno. Depende lang,” sabi ni Duterte sa video na ipinost ng kanyang long-time partner na si Honelet Avanceña, bagamat naka-pribado ang account nito.
Matatandaang hindi nakadalo si Duterte sa pagtitipon sa Palo, Leyte noong Biyernes dahil sa masama ang kanyang pakiramdam.
“For those who believe in the news that I passed away, then I request of you, please pray for me, for the eternal repose of my soul. Thank you,” dagdag ni Duterte sa ikalawang video.
Ipinost ni Avanceña dalawang video ganap na alas-4 ng hapon.