Bus firm na sangkot sa aksidente sa SCTEx pinatawan ng 30-day suspension

PINATAWAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng 30-araw na suspensyon ang Jumbo Transport Inc. matapos ang aksidente na nagresulta sa pagkamatay ng lima katao sa Tarlac.

Nauna nang bumangga ang isa sa mga bus ng Jumbo Transport sa isang trak sa kahabaan ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEx) sa Concepcion, Tarlac, noong Huwebes.

Nagresulta ang aksidente sa sa pagkamatay ng limang pasahero at pagkasugat ng 49 na iba pa.

Pinahinto ng LTFRB ang operasyon ng 10 sa mga bus ng kompanya na may biyaheg Las Piñas City at sa anumang lugar sa Luzon at pabalik.

Kabilang sa mga apektadong plate number na BEK 523, TYY 357, TYY 285, TYY 257, TYY 266, TYY 717, TYY 727, at TXS 774.

Bawal din ang mga plate number na KN2GBB7211K101476 at KN2GBB721YK000348.

Inatasa din ng LTFRB ang Jumbo Transport na ibigay ang mga lisensiya sa ahensiya.

“Respondent-operator is hereby directed to surrender the for hire plates of the aforesaid ten (10) tourist buses to the Legal Division of this board on Monday, 11 February 2019 between 9:00 a.m. and 5:00 p.m.,” sabi ng kautusan.

Naglabas din ng show cause order ang LTFRB kung saan pinagpapaliwanag ito kung bakit hindi kailangang bawiin o isuspinde ang prangkisang ibinigay.

Binigyan ang Jumbo Transport ng 72 oras para isumite ang paliwanag sa board.

“Failure on the part of the respondent-operator and its driver involved in the accident to appear before this Board on the date mentioned above shall be considered as waiver on their part to be heard and this case shall be decided on the basis of the records of the board,” sabi pa ng kautusan.

Read more...