INAPRUBAHAN ng Kamara de Representantes sa ikalawang pagbasa ang panukalang pagtatayo ng Office for Social Welfare Attaché na tututok sa kaso ng mga overseas Filipino workers na inaabuso.
Sa ilalim ng House bill 8908, aamyendahan ang Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995 upang maipasok ang bagong tanggapan.
Ang mag attaché ay manggagaling sa Department of Social Welfare and Development at ipadadala sa mga lugar kung saan maraming OFW.
Ang bagong tanggapan ay hahawak sa mga OFW na nangangailangan ng psychological services, at magbabantay sa kanilang kaso.
Sa pamamagitan ng mga datos na makakalap mula sa attaché ay makagagawa umano ng hakbang ang gobyerno upang mabawasan o mawala ang mga pangaabuso.
MOST READ
LATEST STORIES