Derek humiling ng dasal sa madlang pipol


IPINAGDARASAL ngayon si Derek Ramsay ng kanyang fans and social media followers matapos kumalat sa social media ang mga litrato niya na naka-wheelchair.

Kamakailan ay ibinalita ng hunk actor na kailangan niyang sumailalim sa MRI (magnetic resonance imaging) dahil sa pananakit ng kanyang likod. Ilang litrato ni Derek ang nakita namin sa Instagra, na kuha sa Asian Hospital sa Muntinlupa City.

Inamin ni Derek na ilang araw na niyang iniinda ang pananakit ng ng kanyang lower back kaya nagpakonsulta na siya sa doktor. Sa isang video clip sa IG, sinabi ng binata na meron siyang “bulging disc” o slipped disc na karaniwang nakukuha sa spine injury.

Nakiusap si Derek sa mga netizens na ipagdasal na hindi masyadong serious ang kanyang back pain.

Nag-post din ng mensahe ang girlfriend ni Derek na si Joanne Villablanca sa IG kung saan pinagsabihan nito ang BF na maghinay-hinay na sa physical activities, “Haaay Babe. Please listen to your body next time.”

Read more...