AlDub fans na nagbanta sa pamilya ni Sylvia kakasuhan ng cyber libel


NAKATAGPO ng katapat ang mga nagwawarlang miyembro ng AlDub Nation sa pamilya ni Arjo Atayde.

Salingin mo at saktan ang magaling na aktor at siguradong aangat ang buong pamilya niya.

To the rescue ang kanyang ina, kilalang-kilala sa katapangan si Sylvia Sanchez, hindi ito mauupo lang sa isang sulok habang binabastos at pinagbabantaan ang kanyang panganay o sinuman sa kanyang mga anak.

Nilinaw ng magaling na aktres na hindi naman lahat ng miyembro ng grupo ng mga tagahanga nina Alden Richards at Maine Mendoza ay kasingbastos ng mga umuupak kay Arjo, meron namang mga fans ang loveteam na nakakaunawa, pero hindi talaga maiiwasang may mga nagmamalabis na tagasuporta ang loveteam.

Hindi na rin kayang rendahan ni Maine ang mga nambabastos nitong fans, hindi na kasi sila nakikinig sa katwiran, basta sinumang nakikipag-close kay Maine ay kailangan nilang pakainin ng ampalaya at palagukin ng apdo sa pamamagitan ng kanilang pamba-bash.

Exclusively dating pa lang ang sinasabi ni Arjo Atayde, ha? Paano kapag totoong sila na nga ni Maine?

Anong pagwawarla kaya ang gagawin ng mga taong ito na ang ilusyon ay hawak nila sa leeg ang kanilang idolong si Maine na kung ano ang kagustuhan nila ang kailangang masunod?

Marespeto si Arjo, kaya nga ang gusto niya ay makaharap mismo ang mga fans na kung makapamintas at mangmaliit sa kanya ay ganu’n na lang, gusto niya namang magpakilala sa mga ito.

Tuloy ang plano ng pamilya Atayde na kasuhan ng cyber libel ang mga walang kapagod-pagod sa pamba-bash kay Arjo at sa kanyang mga kapatid.

Read more...