INIWAN na pala ni Edgar Allan Guzman ang kanyang manager na si Noel Ferrer.
Hindi na kasi nagkasundo ang dalawa. It reportedly stem from Edgar Allan’s refusal to do a film about a transgender. Gustung-gusto ni Noel ang movie dahil talagang panlaban ito sa acting derby but EA refused to do it.
Ang katwiran kasi ni EA, enough na ‘yung mga nagawa niyang gay portrayals in the past. Although he finds challenge in doing gay roles, gusto ni EA na magkaroon ng regular TV show. Parang pinag-iipunan niya ang pagpapagawa ng bahay.
But the side story is nagkabalikan na pala si EA at ang kanyang starlet girlfriend, something which Noel raw refuses to accept.
Kasi naman, when EA was with his GF ay nagiging unprofessional ito. May mga work itong hindi napupuntahan all because of the GF.
Anyway, hindi na nga si Noel ang manager ni EA at mayroon na itong bagong manager. We’ll see if he fulfills his plan na maging active sa TV.