NAKU, winner ang bagong atake ni direk Joel Ferrer sa movie nina Enchong Dee at Janine Gutierrez under Regal Films, ang “Elise”.
Oo, romantic-comedy ito pero hindi pilit ang mga hugot, natural na natural ang romansahan nina Janine at Enchong sa story! May halikan din ang dalawa pero hindi ito gjnawa for the sake na magpakilig lang!
Sa movie isang baguhang child star ang agaw ng eksena na malaki ang naging bahagi para mailahad ang kabuuan ng kuwento nina Elise (Janine) at Bert (Enchong). Magaling yung bata kaya hindi nakababagot ang mahabang chikahan nila ni Enchong habang ikinukuwento ang love story ni Elise.
Dyosang-dyosa naman dito si Janine, napakaganda at napakaseksi niya sa kanyang mga eksena. Hindi nakakasawang tingnan sa screen ang kanyang maamong mukha. Plus factor pa ang galing niya bilang si Elise.
At his best naman si Enchong sa film na ito, kaya niyang magpakyut, magpakilig, magpatawa at magpaiyak. Bagay na bagay sa kanya ang karakter ni Bert.
Isang sorpresa rin ang ending ng “Elise” kaya sulit na sulit ang pera at effort n’yo pag pinanood n’yo ito. Showing na ito sa Feb. 6 nationwide.
Hindi na kami masyadong magkukuwento tungkol sa tema at naging takbo ng pelikula para mas ma-appreciate n’yo ito.