SPEAKING of Rayver Cruz, wala siyang dapat ipagselos sa kissing scene nina Enchong Dee at Janine Gutierrez sa pelikulang “Elise” dahil hindi naman ito grabe at kailangan lang talaga sa eksena.
Napanood na namin ang “Elise” sa ginanap na special screening at no offense meant kay Rayver, bagay na bagay din pala sina Enchong at Janine. Ang ganda ng rehistro nila sa big screen at panalo rin ang chemistry nila bilang magka-loveteam.
At dahil kilala naman namin si Enchong na hindi tumatalo ng kaibigan kaya safe si Rayver na hindi siya susulutin ng bestfriend niya for life.
Going back to “Elise”, inamin ng direktor nitong si Joel Ferrer na tungkol sa moving-on ang kuwento ng pelikula na matagal na raw niyang isinulat at ngayon ang tamang panahon para ipalabas na.
Ani direk Joel nang makausap namin pagkatapos ng special screening, Hugot movie talaga siya kasi nu’ng sinulat ko ito, in-love na in-love ako tapos feeling ko kailangan kong mag-move on. Sabi ko sa sarili ko, paano ako makaka-move on hindi naman ako gumagawa ng diary, kaya to let it go, I’m starting to write the storyline, so nu’ng ginawa ko ito alam ko na ang ending.”
Melodrama ang “Elise” ayon kay direk Joel na unang beses niyang ginawa dahil nga puro comedy films ang natapos niya tulad ng “Baka Siguro Yata” at “Woke Up Like This”.
“Ito yung pinaka-attach ako na film kasi malapit sa puso ko, sabi ko nga sobrang in love ako nu’ng sulatin ko ito,” aniya pa.
Anyway, maraming eksenang nakakaaliw sa movie kaya sabi namin hindi pa rin talaga makakawala si direk sa comedy dahil in between ay nagpapatawa rin si Enchong at ang karakter ng baguhang aktor na si Victor Anastasio na unang nakilala sa O-Shopping.
Totoo nga ang sabi nina Enchong, Janine at direk Joel na kakaibang kuwento ng first love ito na isinapelikula, pero may kahawig itong totoong kuwento rin noong nasa high school kami.
Bukod kina Enchong, Janine, Victor, Miko Raval at Laura Lehmann, kasama rin sa “Elise” sina Pilita Corrales at Jackielou Blanco na lola at tiyahin sa tunay na buhay ni Janine. Pero sa pelikula sila ang gumanap na lola at nanay ni Enchong.
Mapapanood ang “Elise” sa Peb. 6, ang Chinese New Year presentation ng Regal Entertainment.