Aktor na bobong umarte ang lakas ng loob na magdirek


MAHINANG umarte ang isang guwapong male personality. Kapag nagkakausap-usap ang magkakaibigang direktor ay lagi nilang paksa ang guwapong aktor na nagpapahirap sa kanila sa set.

Nireregla sa kanya kahit ang mga direktor na becki, gusto nang mag-walkout ang mga babaeng direktor niya, ganu’n kahirap paartehin ang guwapo pa namang aktor.

Kuwento ng aming source, “Sagana siya sa props kapag dumarating, wala kang masasabi sa mga bitbit niyang kagamitan, para siyang maninirahan na sa ibang bansa sa mga baon niyang stuff.

“Kumpleto siya. Kulang na nga lang na buhatin pa niya ang bedroom niya dahil sa dami ng mga dala-dala niyang kagamitan sa location.

“Pero kumustahin n’yo naman ang acting niya, tulog na tulog! Konting dialogue lang, e, hindi pa niya makuha-kuha. Konting facial expression lang na hinihingi sa kanya, e, hindi niya maibigay!

“Sabi nga ng isang miron sa set, akala mo raw siya tuod kung umarte, mas nakaaarte pa raw kesa kanya ang mga bulaklak, grabe ang pagiging Christmas ham ng guwapo pa namang aktor na ‘yun!

“Kapag siya na ang kinukunan, e, pinaaalis ng assistant director ang mga tao sa paligid dahil ang katwiran niya, e, maiingay raw kasi!

“Pero kahit wala nang katao-tao sa paligid, e, ganu’n pa rin naman ang acting niya, waley na waley talaga!” simulang kuwento ng aming source.

Pero ang mas ikinaloloka ng lahat ngayon ay ang bagong trabahong nililinyahan ng male personality. Aba naman, isa na siyang directed by, carry n’yo ‘yun?

Patuloy ng aming source, “Bakit at paano? E, ni hindi nga siya marunong umarte, pinaiiyak niya ang mga direktor niya, tapos, siya pa ngayon ang magdidirek?

“Ano ito, lokohan? Say tuloy ng mga miron, e, gaganti siya sa mga artista ngayon dahil ‘yun ang nangyayari sa kanya kapag hindi siya makaarte!

“Nakakaloka siya, ha? At direktor pa kuning siya ngayon? Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, pakilagyan n’yo nga ng X ang pangalan ng Christmas ham actor na ‘yan!” pagtatapos ng aming impormante.

Read more...