Bikini photo ni Pauleen Luna inspirasyon sa mga mommy


MARAMING nanay ang na-inspire kay Pauleen Luna dahil sa pagpupursigi nitong magpapayat kahit na super busy as a working mom and wife.

Ayon kay Pauleen, nakakatuwa at nakaka-good vibes ang mga nababasa niyang comments mula sa mga kapwa niya nanay na pumupuri sa kanyang katawan ngayon.

Talagang pinag-uusapan sa social media ang kanyang mga bikini photos, lalo na noong nagbakasyon sila ng kanyang asawang si Vic Sotto sa Amanpulo last October, 2018.

Sa panayam ng GMA, hindi daw niya ginawa ang pagwo-work out para lang mapuri ng mga tao, nais lang niyang mapatunayan sa lahat na mommy at wife na siya ay kaya pa rin niyang matutukan ang kanyang kalusugan.

“Siyempre nakakatuwa but really it’s not naman for others to appreciate. Siyempre masarap ‘yung mommy ka, you push yourself. Tapos you were at this weight once tapos nakikita mo bumabalik ka somehow,” aniya.

Dagdag pa ni Poleng, “I’m still not back completely but masaya naman ako sa weight ko ngayon. I don’t din naman pressure myself.”

Read more...