‘Inagaw Na Bituin’ ng GMA hindi ‘copycat’ ng ‘Bituing Walang Ningning’ ni Sharon
NILINAW ni direk Mark Reyes na hindi hango o kopya sa classic Pinoy movie na “Bituing Walang Ningning” nina Sharon Cuneta at Cherie Gil ang bagong Kapuso series na Inagaw Na Bituin.
Bagong concept at bagong atake raw ang ibabahagi nila sa mga manonood. Bukod sa madadramang eksena ng mga bidang sina Kyline Alcantara at Therese Malvar, maraming original songs din ang mapapakinggan sa Inagaw Na Bituin.
Gaganap na magkapatid na pinaghiwalay ng tadhana sina Kyline (Anna/Elsa) at Therese (Arielle) na muling magtatagpo bilang mortal na magkalaban sa larangan ng pagkanta.
“I guess the milieu is the same, you know. Once napanood mo ‘yung classic na ‘yun, mare-relate mo nga dito sa progama namin. Pero sobrang iba niya, I mean pag mapanood niyo palang ‘yung first episode, you’ll realize it’s totally different. Ibang iba siya.
“It’s the same feel, it’s the same genre but it’s totally different, very, very different,” pahayag ni direk Mark sa grand presscon ng Inagaw Na Bituin kamakalawa ng gabi.
“Maybe because that’s so Pinoy. ‘Di ba nasa kultura natin ‘yan, ‘yung pagkanta, ‘yung musika, tapos pag merong dalawang forces na naglalaban, at the end either nagkakabati or ‘yung isa naggi-give up, isa nananalo.
“So I guess that’s the nearest thing that is tied up with all the other past movies or series with us. But totally again, the story is very different from what we’ve seen. It’s not based on something or inspired by something,” dagdag pa ni Direk.
Pagmamalaki pa ni Direk Mark, “GMA has invested in a lot of new music for the series so hopefully we’ll have an album as we move along. What you’ll be hearing are two originals. We have several new songs coming up for the series as well. But beyond the music, it’s the drama that is very intriguing here.”
“And need I say more, the casting between these two young girls and the more ‘younger’ stars, I mean busog na busog sa hapon ang makakapanood ng serye na ‘to,” aniya pa.
Makakasama rito ang mga award-winning actors na sina Sunshine Dizon, Angelika dela Cruz, Marvin Agustin, Angelu de Leon at Gabby Eigenmann. Ka-join din sa serye sina Buboy Villar, Manolo Pedrosa, Renz Valerio, Patricia Tumulak, Alyanna Asistio, Melbeline Caluag at Jackilou Blanco.
Mapapanood na ang kantaseryeng Inagaw Na Bituin simula Feb. 11 sa GMA Afternoon Prime.
q q q
Balikan ang misteryo at poot sa The Good Son at Wildflower sa pagpapalabas ng Jeepney TV ng dalawang matagumpay na Kapamilya serye simula ngayong Lunes.
Maghahatid ng gulo si Maja Salvador bilang si Lily Cruz sa Wildflower. Naging biktima ang kanyang mga magulang ng Ardiente family (Tirso Cruz, Aiko Melendez) na nagdala sa kanila sa biglaang pagkamatay.
Nakaligtas naman si Lily at inampon ng mayamang negosyante. Magpapanggap bilang si Ivy Aguas, babalikan niya ang Poblacion Ardiente upang maghiganti.
Mababalutan naman ng mga lihim ang katanghalian sa Jeepney TV sa programang The Good Son.
Kasama sina Joshua Garcia (Joseph), Jerome Ponce (Enzo), McCoy de Leon (Obet) at Nash Aguas (Calvin), iikot ang family drama sa pagdiskubre kung sino ang pumatay kay (Albert Martinez), ang ama nina Enzo, Calvin, at Joseph.
Tunghayan ang lahat ng ito, Lunes hanggang Biyernes, sa Jeepney TV ng ABS-CBN TVplus channel 11, SKYcable channel 9, Destiny Cable Analog 41 at Digital 9.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.