Mariel de Leon pagagandahin ang boses sa ibang bansa


GUSTO  pang hasain ni Mariel de Leon ang kanyang boses kaya plano niyang mag-take ng voice lesson sa ibang bansa.

Ngayong Valentine month, sasabak na siya sa pagkanta dahil special guest siya ni Ogiel Alcasid sa Feb. 14 concert nito na may titulong “Master of Love” na gaganapin sa Newport Performing Arts Resorts World.

“It seems that hearing about her, she sets on what she likes,” saad ni Ogie sa pocket interview para sa kanilang Valentine concert.

“I think that’s good. At least alam mo kung saan ka comfortable. That’s a good start. Kasi kami noon, medyo stiff. So keep honing what she knows already,” dagdag ng singer-songwriter patungkol kay Mariel.

“I want to study classical voice,” sey naman ng beauty queen.

Sa edad ni Mariel, mas gusto niyang kantahin ang classical at jazz. Sa concert with Ogie, may duet sila ng Broadway song na “All I Ask of You.”

Samantala, magiging bahagi ng concert ang pagbibigay ni Ogie ng tribute kay Rico J. Puno. Hindi raw siya rocker kaya hindi niya mabibigyan ng tribute ang rock icon na si Pepe Smith.

Ang musical director ng concert ay ang National Artist na si Ryan Cayabyab.

Read more...