Carla naiyak matapos pumirma ng bagong kontrata sa GMA


“NAGING emosyonal si Carla Abellana sa muling pagpirma ng exclusive contract sa GMA. Ten years na ngayon sa showbiz ang aktres at 10 taon na rin siyang Kapuso.

“I’m very happy. Tenth year ko na! Tenth year ko na in show business, 10th year ko na rin sa GMA.
“To say na sobrang happy and sobrang grateful ako na nag-trust ulit ang GMA sa akin, is an understatement. Talagang ninanamnam ko,” aniya habang lumuluha.

“Sobrang happy ako na pinagbigyan ako ulit, na binigyan ako ng opportunity ulit. Sobrang happy kasi excited na kong magtrabaho. Hindi lang siya blessing for the new year blessing din siya for my 10th year in show business. I’m happy,” aniya pa.

“From Rosalinda till now. Wow, ang bilis ng panahon. Pero for me, mas mabilis ‘yung panahon kapag enjoy ka talaga sa mga ginagawa mo, ‘yung kahit pagod na pagod ka sa trabaho, hindi mo nararamdaman kasi happy ka sa work mo, kuntento ka sa trabaho mo,” ani Carla.

Read more...