AYAW na raw gumanap na bading ng isang award-winning young actor.
Tinanggihan niya ang offer para sa isang movie kung saan gaganap sana siya bilang isang transwoman.
Siyempre, naloka ang manager niya sa desisyon ng kanyang talent. Pero ang hindi alam ng manager, nagbabalak na ang alagang layasan siya, huh!
Alam namin kung ano ang hirap na dinanas ng manager sa alagang aktor, talagang iginapang niya ito para lang mabigyan ng breaks sa TV at sa movies.
Ang bulung-bulungang rason ng paglayas ng young actor sa poder ng kanyang manager ay ang showbiz girlfriend daw nito. Kaya malaki ang posibilidad na naimpluwensiyahan siya ng dyowa sa naging biglaang desisyon niya, huh!
Naku, pagdating sa babae talaga, nawawala sa huwisyo ang young actor dahil nu’ng magkaroon dati siya ng GF, napabayaan din niya ang kanyang career! Tingnan na lang natin kung saan pupulutin ang young actor na ito.