MARAMING nagtatanong kung nasaan na ang gwapong original Kuya Escort ng It’s Showtime na si Greg Hawkins. Babalik pa raw kaya siya sa noontime show o hindi na?
May kuwentong lumabas na hindi raw kasi maayos ang mga dokumento ng American-Korean model, kailangan pa raw niyang makakuha ng working permit, pero kapag meron na ay tatawagan na lang siya ng production.
Pero may lumabas ding istorya na ang dahilan daw ng pagkawala ni Greg sa programa ay dahil niligawan siya ng bidang si Vice Ganda pero iniwasan ito ng gwapong modelo.
Nu’ng maging guest namin si Greg Hawkins sa Cristy Ferminute ay madiin niyang nilinaw na walang katotohanan ang kuwentong hindi siya pumayag na makipagrelasyon kay Vice kaya siya nawala sa noontime show.
Malinaw ang paliwanag ni Greg, ang kanyang sabi, “I really don’t know where that issue came from. It’s not true and it’s too unfair for Vice. Hindi po totoo ‘yun.
“Sana lang, it will stop na. nakakahiya naman kay Vice, I want to keep our friendship kahit wala na ako sa show. He’s been so nice to me,” paglilinaw ng guwapong binata.
Masarap kausap si Greg Hawkins dahil marespeto siya, matalinong sumagot, hindi mo siya maililigaw dahil magaling siyang magsalita ng ating wika.
At napakaguwapo. Wala siyang pinipiling anggulo. Marami siyang ginagawang TVC, hindi pinahinto ng pagkawala niya sa It’s Showtime ang ikot ng kanyang mundo, tuloy ang buhay para kay Greg Hawkins.