Phoenix Fuelmasters rumatsada sa ika-4 diretsong panalo | Bandera

Phoenix Fuelmasters rumatsada sa ika-4 diretsong panalo

Melvin Sarangay - February 01, 2019 - 08:56 PM

Laro Pebrero 2
(Ynares Center, Antipolo City)
4:30 p.m. NLEX vs Meralco
7 p.m. Barangay Ginebra vs Columbian

NAHABLOT ng Phoenix Pulse Fuelmasters ang ikaapat na diretsong panalo matapos ilampaso ang Blackwater Elite, 114-95, at manatili bilang koponan na wala pang talo sa 2019 PBA Philippine Cup Biyernes ng gabi sa Ynares Center, Antipolo City.

Agad rumagasa ang Fuelmasters sa unang yugto pa lamang ng laro para maiwanan ang Elite at mapanatili ang kapit sa top spot sa pinakaprestihiyosong kumperensiya ng 44-taong liga.

Itinala ng Phoenix ang pinakamalaking kalamangan nito na 37 puntos, 85-48, may 4:33 ang nalalabi sa ikatlong yugto bago nagawang mapigilan ang mga ratsada isinagawa ng Blackwater na nalasap ang ikatlong pagkatalo sa apat na laro.

“Medyo maganda ang depensa namin. Flawless ang depensa namin against Blackwater kasi nakita namin ang laro nila against Rain or Shine,” said Phoenix coach Louie Alas.

Pinamunuan ni Calvin Abueva ang Fuelmasters sa ginawang 22 puntos at 14 rebound, apat na assist at dalawang shotblocks habang nag-ambag si Matthew Wright ng 19 puntos at tig-pitong rebound at assist.

Nagdagdag si Jason Perkins ng 15 puntos habang sina Alex Mallari at Justin Chua ay may tig-12 puntos para sa Phoenix.

Pinangunahan ni Mac Belo ang Blackwater sa tinipong 13 puntos at siyam na rebound.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending