PASAMA nang pasama ang imahe ng AlDub Nation when Sylvia Sanchez singled out the fandom na nagbabanta sa buhay ng kanyang mga anak na sina Arjo at Ria Atayde.
“Ngayon, gusto ko lang sabihin sa inyo na bukod sa mura, bukod sa panglalait, bukod sa pamba-bash sa aming lahat, nakakita ako ng account na nagsasabi na, ‘Patayin si Arjo, patayin natin si Ria, patayin natin si Sylvia, patayin natin ang pamilya Atayde.’ At meron pang nag-post diyan na, ‘Isang bala ka lang.’ Pag nakita natin yung nag-uusap, alam natin na si Arjo ang tinutukoy.”
“Ngayon, ako bilang ina, sabihin mo na sa akin lahat ng masasakit na salita, laitin mo na pagkatao ko, halughugin niyo na ang nakaraan ko, patayin niyo na ako, okay lang.
“Pero mabasa ko yung sasabihin at babantaan yung mga anak ko, tiniis ko lahat since September. Bumigay ako noong Friday. Ina ako na nagtitimpi, ina ako na nasasaktan para sa mga anak ko.
“Kahit sinong ina na lalaitin ang anak mo, masakit yun. Tiniis ko yun. Pero yung makita ko na sabihin ng mga AlDub Nation fans—hindi man lahat kasi naniniwala pa rin ako na merong mga fans ang AlDub na mababait, na good heart, pero meron ding mga bashers talaga.”
She further said, “Ito na lang pakiusap ko sa inyo bilang ina, yung pagbabanta niyo na patayin si Ria, si Arjo, ako, asawa ko—ako na lang. Ako na lang.
“Barilin niyo ako, patayin niyo ako, tanggapin niyo ang buhay ko sa akin, tatanggapin ko, ako na lang. Bilang nanay, huwag na ang mga anak ko. Huwag na sila. Ako na lang nakikiusap ako, ako na lang patayin niyo. Yun lang.”
With that, durog na durog ang AlDub Nation. Any comment, members of AlDub Nation?
q q q
May isa pang dapat sagutin ang AlDub Nation and this concerns about fund of the organization.
“Given that some ADN members have already made up stories that Maine is married to Alden and has a child with him, how farfetched is it that when charity funds are missing, that these ADN members will make up a story that she pocketed the money or tag it as appearance fee for her?”
“What’s so difficult about releasing an audit report of your ticket sales, especially since you’re using Maine’s name to sell tickets and not your own independent profile? All charitable institutions are subject to audits by the SEC. Also, who qualifies your beneficiaries”
“You can’t deny that ADN’s last event for AIden’s b-day didn’t sell well. Immediately after that, ADN announced a joint b-day party for Alden & Maine even if their bdays are so far apart. Obviously, ADN’s trying to recover their losses from the poor ticket sales of A’s party.”
That was the consecutive tweets of @PoisonedArrow.
“You think so low of ADN. Sobra ang hatred sa puso mo. ADN do all these events not to earn money. Para lang magpasaya ng kapwa ADN. Plus na lang na pumupunta ung dalawa. We do these things out of love.
Love kay Maine. Love kay Alden. Love sa kapwa ADN. Un lang,” sagot ng isang netizen for ADN.
May official statement kaya ang ADN for this brouhaha?