Pagbabalik ng ROTC aprub na

INAPRUBAHAN ng House committee on basic education ang pagbabalik ng mandatory Reserve Officers Training Corps.

Sa ilalim ng panukala, sasailalim sa ROTC ang mga Grade 11 at 12 o senior high school sa pampubliko at pribadong paaralan. Walang maaaring magtapos ng senior high school ng hindi dumadaan dito.

Naghain ng mosyon si Batangas Rep. Raneo Abu, may-akda ng panukala, upang aprubahan na ito ng komite.
Bago inalis, ang mga sumasailalim sa ROTC ay ang mga 1st at 2nd year college students. Wala pa noong senior high school.

Exempted sa ROTC ang mga may kapansanan, sumasailalim na sa military training, at varsity player.
Suportado ni Pangulong Duterte ang pagbabalik ng ROTC.

Read more...