NDFP consultant patay matapos pagbabarilin sa loob ng bus

 

KINONDENA ng Bayan Muna partylist ang pagpatay sa kanilang regional coordinator sa Cagayan Valley na pinagbabaril habang natutulog sa bus.

Pinatay ang National Democratic Front of the Philippines peace consultant at Bayan Muna regional coordinator for Cagayan Valley na si Randy Felix Malayao isang araw matapos na muling sabihin ni Pangulong Duterte na hindi na itutuloy ang peace talk ng gobyerno at Communist Party of the Philippines.

“It is as if the perpetrators were just waiting for a go signal to execute their standing orders,” ani Bayan Muna chairman Neri Colmenares.

Sinabi naman ni bayan Muna Rep. Carlos Zarate na mas lalong lumabo na magkaroon ng peace agreement dahil sa pangyayaring ito.

“This is another nail on the coffin of the peace negotiations. It is truly tragic that while we are going all out to resume the peace negotiations, the militarist hawks in the Duterte administration are the ones running the show,” ani Zarate.

Ayon sa mga ulat, umakyat ang gunman sa bus kung saan natutulog si Malayao alas-2 ng umaga at pinagbabaril ito.

Read more...