Willie 2 beses magsimba sa 1 araw matapos ang aksidente sa Wowowin

MAY nakapagkuwento sa amin na diumano’y nakakita kay Willie Revillame na uma-attend ng Holy Mass dalawang beses sa isang araw.

Simula kasi nang mangyari ang aksidente sa studio ng Wowowin kung saan may isang tao ang nasawi at isa pa ang nasugatan, para daw bumalik ang “shock” sa kilalang TV host-comedian.

Although, aksidente talaga ang pangyayari na agad namang inaksyunan ng GMA at personal ding tinulungan ni Willie ang pamilya ng nasawi at nasugatan, hindi pa rin maiaalis ang pag-aalala sa komedyante.

“Malungkot siya. Siyempre kahit matagal ng nangyari yung ULTRA incident, tao lang iyan na biglang maaalala ang nakaraan, kahit sabihin pang matagal na siyang naka-move on. Du’n mo talaga makikita kung gaano niya kamahal ang programa at ang audience niya,” sey ng isang malapit kay Willie.

Well, sa sobra naman talaga kasing buhay na buhay at sobrang taas na energy level ng show mereseng naka-tape ito, marami din naman tayong mga kababayan na sumosobra ang pagpapakita ng energy sa show.

Kaya sinisiguro na ngayon ng GMA at Wowowin ang pagkakaroon ng mas mahigpit na seguridad at pag-double check ng tamang bilang ng tao sa studio, pati na ang kaligtasan ng kanilang mga upuan, props, sahig at iba pang materials na kailangan sa show.

 

Read more...