Bimby kinakawawa sa social media, pinaglalaruan ng netizens

KRIS AQUINO AT BIMBY

MAS maganda ang ginagawang pananahimik ni Kris Aquino. Sa totoo lang, sa mga posts niya rin kasi kumukuha ang kanyang mga bashers ng ipambibira pabalik sa kanya, nag-uugat ‘yun sa kanyang mga ibinabalita.

Nakakaawa nga si Bimby, ang kanyang bunso, dahil pinaglalaruan ang bagets sa social media sa pamamagitan ng mga meme na pinagtatawanan ng publiko.

At saan napupulot ng mga netizens ang mga ‘yun? Saan kumukuha ng ideya ang mga bashers? Walang iba kundi sa mga ipino-post ni Kris tungkol sa kanyang bunso.

Sabi ni prop, “Si Kris din naman kasi, e! Naghugas lang ng pinag-inumang baso ang anak niya, naka-headline na sa buong mundo!

“Kumain lang ng fish ang anak niya, e, parang big deal na! Basta, palagi niyang isine-share sa IG niya ang maliliit lang namang bagay kung tutuusin na ginagawa ni Bimby!

“Nakakaawa tuloy ang bata, parang wala nang sariling buhay, parang si Kris lang ang nagpapagalaw sa mundo niya! Parang wala nang karapatang mabuhay nang mag-isa si Bimby, kasi nga, si Kris ang nagmamando palagi sa mga ginagawa niya!” mahabang pahayag ni prop.

May tama naman, di ba?

Read more...