NAPANIS sa kahihintay ang mga contestant sa isang patimpalak sa probinsya.
Alas-6 ng umaga pa lang ay todo ayos na ang mga kalahok sa isang contest para sa kanilang performance.
Pero tirik na ang araw at masakit na sa balat ang sikat nito ay hindi pa rin nasisimulan ang show.
Bakit?
Wala pa kasi ang magsisilbing judge. Itong si judge ay isang ex-official ng gobyerno na humawak ng mataas na puwesto na malapit sa kusina. Ngayon siya ay kumakandidato.
Balik sa kwento. Na-tapos ng mananghalian ang mga kalahok ay hindi pa rin dumarating itong magsisilbing judge at sa madaling sabi ay lusaw na ang makeup nila at parang lantang gulay na sa antok.
Alas-2 ng hapon ng dumating si former official. Kung alam lang ng mga contestant, nagpatanghali na lang sana sila.
Nasa P6 kada litro na ang itinaas ng diesel ngayong taon—at hindi pa tapos ang Enero.
Kaya napakamot nanaman si Manong driver sa kanyang ulo. Alam naman niya na wala siyang magagawa.
Kung hindi mamamasada ay magugutom ang pamilya nya. Hindi naman pwedeng kargahan ng tubig ang kanyang makina.
Kaya anong gagawin, tumingala at manala-ngin ng himala. Magsisimba sana siya at magbabakasakali na maambunan ng konting suwerte pero naalala niya ang nangyari sa Sulu.
Pinasabugan ang harap ng simbahan at 20 ang namatay. Natakot tuloy siya at hindi na tumuloy.
Sabi ng mga pulis ay paiigtingin nila ang pagbabantay sa mga matataong lugar para hindi ito mangyari sa Kamaynilaan.
Pero duda itong si Manong, kung sa Sulu daw kung saan ipinatutupad ang martial law ay nalusutan sila ng bomber, dito pa sa KaMaynilaan.
May pagbabagong nangyari sa pagdinig ng budget ng Pilipinas. Pinag-usapan ito ng Senado at Kamara de Representantes ng bukas sa media. Dati kasi ay close door.
Nakita tuloy kung ano ang ginalaw ng mga senador.
Kadalasan kasi ang lumalabas sa media ay kung ano lang ang ginalaw ng mga kongresista.
Napalundag sa tuwa ang isang kongresista ng lumabas sa media na ang mga senador ay mayroong ginalaw na P190 bilyon sa budget hindi hamak na mas malaki kumpara sa P51 bilyon na pinakialaman ng mga kongresista.
Reklamo naman ng isa pang solon, kapag ang mga kongresista ay may ginagalaw sa budget, masama ang tingin sa kanila, pero pag ang Senado ang gumawa nito ay para siyang mga bayani.
Ewan ko sa kanila. Basta ang alam ko pare-pareho na hindi nila yun pera.