Resbak ni Angel sa bashers: Katawan ko to! Ikaw sobrang perfect mo?

Angel Locsin

PIGIL na pigil pala si Angel Locsin sa pagpatol sa mga bashers na walang alam gawin kundi ang laitin at bastusin siya sa social media.

Hangga’t maaari ay ayaw nang patulan ng Kapamilya actress ang mga haters, lalo na yung mga nanglalait sa kanyang katawan. Kung anu-anong masasakit na salita ang ibinabato sa kanya ngayon dahil sa kanyang panga-ngatawan.

“Kung iisipin mo, parang maaawa ka na lang sa tao kasi anong klaseng person ka para magawa mo yun? Perfect? Perfect ka? Sobrang perfect mo?” ang bwelta ng dalaga sa mga netizens na nanglalait sa kanya.

Sa pana-yam ng Tonight With Boy Abunda, naglabas ng sama ng loob ang aktres sa mga taong nabubuhay sa pangnenega ng kanilang kapwa, “Hindi mo na lang pa-patulan. May mga bagay na hindi mo gagawin sa kapwa mo.

“So itong taong ‘to, comfortable siya na ginagawa niya ‘yan, parang ayoko mag-deal sa mga ganu’ng klaseng mga tao. Kasi ang sad, ang sad ng life niya,” paliwanag ng dalaga.

Dagdag pa ni Angel, ang mahalaga ay kumportable siya sa katawan niya, “Kasi ako, wala akong problema. Ba’t ikaw ang dami mong issue? Ako nga walang issue, e. Katawan ko ‘to. Ako ‘to, sarili ko ‘to. E, ikaw, okey ka ba?”

Inamin din ni Angel na “for life” na ang kanyang disc bulge na ay isang spine injury sanhi ng tinatawag na “pre-e-xisting weakness” sa isang bahagi ng spine.

 

Read more...