Catriona pine-pressure na magsalita tungkol sa isyu ng ‘batang kriminal’

CATRIONA GRAY

“LALABAN!” Iyan ang ipinarating sa reaksyon ng mga taga-Binibining Pili-pinas Charities para sa kanilang Chairperson na si Madam Stella Marquez de Araneta, kaugnay pa rin ng usa-ping Miss Universe-Philippines franchise.

Matapos kasing kumpirmahin ni Chavit Singson na nasa kanya na ang franchise ng pageant, nag-iisip daw ang BPCI ng paraan para kahit paano’y maibsan ang kanilang lungkot at depresyon.

Ayon pa sa aming source, pansamantalang nagbakasyon si Madam Stella at iniwan ang mga gawain sa BPCI sa kanyang staff, though naka-monitor nga raw ito sa Miss Intercontinental, isa sa mga franchise nila. The fact is, unang-unang nagpaabot ng kanyang pagbati si Madam Stella sa victory ni Karen Gallman, na siyang itinanghal na Miss Intercontinental 2018, ang kauna-unahang titulo ng Pilipinas after 47 years.

At dahil papasok na ang buwan ng Pebrero na normally ay kasagsagan na ng mga audition at screening ng BPCI para sa mga nagnanais maging Binibining Pilipinas candidate, anytime soon daw ay mangyayari na ito. “We’re just fixing some very important items,” sey pa ng source namin.

Although meron pa namang ibang “titles” under BPCI, if ever man ngang mawala sa kanila ang Miss Universe, gagawin pa rin nila ang kanilang best lalo pa nga’t lagi namang nagwawagi sa ibang international titles ang BPCI.

“Lalaban kami,” hirit pa ng kausap namin.

Hmmm, wala pa rin naman kaming nababalitaan kung may on-going ng screening para sa Miss Universe-Philippines under the group of Chavit Singson?

q q q

Speaking of Miss Universe, huwag naman siguro nating i-pressure si Catriona Gray na magbigay ng kanyang pahayag kaugnay sa kontrobersyal na batas tungkol sa pagpapababa ng edad sa criminal liability ng mga menor de edad.

Although sumikat ang adbokasiya ni Cat para sa mga bata, hindi rin naman makatarungang puwersahin siyang magsalita sa isyu lalo pa’t highly political ito.

Pero naniniwala kami na sooner or later ay merong sasabihin ang matalino nating Miss Universe hinggil sa isyu.

Hindi naman iyan nadadaan sa mga opinyon lang na galing sa social media. Marunong mag-research, mag-analisa at magtimbang ng mga bagay-bagay si Catriona, bago siya magbigay ng kanyang saloobin sa isyu.

Pinaghahandaan iyan base sa mga pag-aaral at datos, noh!

Read more...