SWS: Pinoy pabor na maparusahan ang mga menor na lumabag sa batas pero …

PABOR ang mga Filipino na panatilihin sa 15-anyos ang minimum age of criminal responsibility, ayon sa survey ng Social Weather Stations.

Tinanong ang 1,500 respondents kung pabor sila o hindi na ikulong ang mga menor de edad na nagnakaw ng cellphone, pagkain, ginamit na drug courier, nanggahasa o pumatay.

Marami ang pabor na makulong ang menor de edad na nanggahasa– 63 porsyento ang pabor, 3 porsyento ang undecided at 22 porsyento ang hindi pabor.

Pabor naman ang 59 porsyento na makulong ang mga menor de edad na napatunayang guilty sa kasong murder at 24 porsyento ang hindi pabor.

Nagsabi naman ang 49 porsyento na makulong ang mga menor de edad na naging drug courier at 35 porsyento ang hindi pabor dito.

Sa tanong kung ano ang tamang edad ang maaaring ikulong ang median age ay 15.

Lumabas ang resulta ng survey isang araw matapos na aprubahan ng Kamara de Representantes sa ikatlong pagbasa ang panukala na ibaba sa 12 taong gulang ang kasalukuyang 15-anyos na minimum age of criminal responsibility.

Read more...