Opisina, factory na walang CR na may P40K fine

MATAPOS ang mahaba-habang pag-uusap ng mga labor groups, employers at government tungkol sa mga aksidente at pagkakasakit sa mga workplaces, heto na ang listahan ng mga workplace safety violations at kaukulang fine per day.

Magbabayad ng P50,000 per day ang mga employer at contractor na hindi bumili at hindi pinagsusuot ng standard safety personal protective equipment ang mga workers habang P40,000 naman bawat araw sa mga walang sanitary (toilet) and welfare facilities.

Aabot naman sa P20,000 per day ang multa sa mga walang DOLE registration papers, P40,000 naman sa mga walang safety and health committee at kawalan ng workplace safety and health program.

May fine din na P30,000 per day kapag walang medicines, health facilities at safety signages habang P50,000 naman sa mga substandard na safety equipment at sa mga naningil ng pambayad ng PPEs sa mga manggagawa.

Ang hindi naman nagbibigay ng safety instruction at orientation ipa-fine ng P20,000 habang P25,000 naman sa hindi nagbigay ng safety training.

Ang maganda nito, ang perang makokolekta ay maaring gamitin bilang reward sa mga kumpanya na sumusunod naman sa safety and health laws o kaya sa mga individual or groups na may magandang advocacy about OSH in the workplace.

Read more...