Tambalang ‘Juanchoyce’ pakilig tuwing umaga sa Unang Hirit

HINDI pa man pumapasok ang Valentine month ay ramdam na ramdam na ang Araw ng mga Puso sa Kapuso morning show na Unang Hirit.

E, kasi nga every morning ay sweetness overload ang hatid ng UH segment hosts na sina Juancho Triviño at Joyce Pring na sikat na sikat na ngayon sa tawag na “Juanchoyce”. Ang chika, mapa-on or off cam ay talagang nilalanggam sa kaswitan ang dalawang Kapuso stars.

Para kay Juancho, maihahalintulad daw niya si Joyce sa isang crayon na nagbibigay kulay sa kanyang buhay. Inamin din na binata na nililigawan na niya si Joyce.

“Sana ako ‘yung one choice sa puso ni Joyce. I hope, I also pray, na that happens. Right now nasa stage ako na I’m just trying to win her heart,” sabi ng hunk actor. Sa isang video tweet ni Juancho kasama si Joyce ito ang caption niya, “Hi @joycepring Im proud of you and will always be your number 1 fan woot woot!!! #SagutinMoNaAko.”

Nakaka-good vibes daw ang mapanood ang #Juanchoyce sa umaga, kaya naman parami na nang parami ang nagiging fans ng kanilang tambalan. Mukhang wala naman tututol kung maging sila nga in real life, di ba?

Read more...