GRABENG excitement ang naramdaman ni Liza Diño habang naghihintay na ma-harvest ang egg ng kanyang partner na si Ice Seguerra sa isang ospital kamakailan.
Sa post ni Liza sa kanyang Instagram account habang nasa waiting room ng ospital ay in-announce niya ang pagkolekta sa egg cell ni Ice pagkatapos magpaturok sa kanyang butt for 12 days na isa sa mg proseso ng in vitro. Inamin ni Liza na doon pa lang nagsi-sink in sa kanya na nagsisimula nang matupad ang pangarap nila ni Ice na magka-baby.
October of 2018 ay nagsimula nang i-prepare ni ice ang kanyang sarili kabilang na ang pag-take ng Estrogen pills para sa in vitro fertilization.
Ayon pa sa asawa ni Ice, hindi lang sila ang may dream na magka-baby sila kundi pati na ang anak niya na si Amara at ang mga magulang ni Ice na sina Mommy Caring at Daddy Dick na matagal na raw gustong magkaroon ng apo.
Naging successful naman ang pag-harvest sa egg ni Ice ayon pa rin sa IG post ni Liza. At ‘di lang isa kundi tatlong egg pa ang nakuha kay Ice.
At hindi pa man naipagbubuntis ni Liza ang baby nila ni Ice ay mukhang nakapili na sila ng ipapangalan sa bata.
May pa-hashtag kasi sina Liza and Ice para sa journey nila of having their own baby, ang #projectzazababy. Hula namin baka ZaZa (AiZA at LiZA) ang ibigay nilang name sa baby na mula sa pinagsamang last syllable ng kanilang mga pangalan.
Samantala, may nakapagsabi sa amin na nakapili na rin sina Ice at Liza ng sperm donor mula sa isang cryobank (sperm bank) sa California, USA. Ito ang magpi-fertilize sa egg ni Ice para isalin sa sinapupunan ni Liza.
Pero mahaba pa ang proseso ng in vitro kaya talagang humiling si Liza na ipagdasal sila ni Ice para maging successful ang lahat.