Bwelta ni Jessy sa laiterang basher: Hindi lahat ng bagay puro panglabas na ganda lang

JESSY MENDIOLA AT LUIS MANZANO

NAG-SHARE si Jessy Mendiola ng kanyang workout routine sa kanyang social media followers sa pamamagitan ng isang YouTube video.

Isa ito sa mga mapapanood sa bagong YouTube vlog ng Kapamilya actress na matagal na raw nire-request ng kanyang social media followers. Ilang at-home exercises ang ibinahagi niya sa video na kanyang natutunan mula sa personal trainer niyang celebrity coach, si Kat Geronimo.

“A lot of you guys have been asking for a workout vlog from me and here it is! If you love to travel and can’t seem to find time to exercise here’s a quick workout you can squeeze in the morning before you start your day!” ang caption ni Jessy sa video na ipinost din niya sa Instagram.

Maraming pumuri sa kaseksihan ng girlfriend ni Luis Manzano sa kanyang latest vlog, pero may isang basher na nambasag sa dalaga at nagkomento ng mga mapanglait na salita.

“Push mo ‘yan, ‘te. Kasi ‘pag tumaba ka papangit ka at iiwan ka na ni Luis (Manzano). Mas maganda pa rin sa ‘yo si Angel Locsin. I hate you always,” ang walang patumanggang comment ng netizen.

Pero sa halip na magalit at pagsalitaan ng masama ang basher, sinagot siya ni Jessy ng mahinahon at may pagpapakumbaba. Aniya, mataba pa siya nang maging boyfriend niya si Luis.

“Mataba ako nung naging kami ni Luis, kaya ako nagpapayat kasi para sa health ko. Hindi lahat ng bagay puro sa panlabas na kagandahan lamang.

“Peace be with you. You have so much hate in your heart. Nakapag-move on na kaming lahat. Sana ikaw din,” aniya.

Read more...