Polo, Robin parehong gaganap bilang Bato | Bandera

Polo, Robin parehong gaganap bilang Bato

Julie Bonifacio - January 29, 2019 - 12:15 AM


MAGANDA ang pasok ng 2019 para sa aktor na si Polo Ravales. Dalawang proyekto kasi agad ang nagawa niya at ipapalabas sa unang buwan ng taon. Una ay ang pagganap niya sa role ni former PNP Chief Gen. Bato dela Rosa sa bagong drama show sa PTV na nagsimula na last Sunday night, ang Saludo.

“I’m so honored na magampanan on screen ang katauhan ni Gen. Bato. Eto rin po ang first project ko for 2019. Then, mga two days apart lang ata dumating sa akin ‘yung offer na makasama sa biopic niya,” bungad ni Polo nu’ng makausap namin sa presscon ng Saludo.

Ang tinutukoy ni Polo ay ang life story ni Gen. Bato na ipapalabas sa big screen na pinagbibidahan ni Robin Padilla.

“Nakakatawa nga, e. Dito sa Sundalo bida ako. Ako ‘yung gaganap bilang Gen. Bato. Doon sa movie kalaban ako ni Bato. Kaya na-challenge ako kasi bida, then, kontrabida,” ngiti niya.

Ikinuwento rin sa amin ni Polo na knows ni Robin na gumanap din siya bilang si Bato sa Saludo.

“Yeah, sabi ko sa kanya, ‘Kuya, nag-taping ako. Ako si Gen. Bato.’ Tapos sabi niya, ‘Ah, talaga ‘Tol?’ Tapos ipinakita ko sa kanya ‘yung picture. Sabi niya, mas bagay daw sa akin. Kasi, sa katawan nga raw,” lahad ng aktor.

Flattered siyempre si Polo sa tinuran na papuri ni Robin sa kanya, “Pero siyempre, aksyon ‘yung movie, Robin Padilla ‘yun, e. Kahit marunong akong mag-aksyon, iba pa rin si Binoe, e.”

Wala naman daw siyang nararamdamang pressure kapag ikinukumpara ang performance niya as Gen. Bato sa Saludo at sa paglabas ni Robin sa pelikula.

“Ah, mahirap to compare kay Kuya Robin dahil idol ‘yun, e. Dito naman sa TV it’s more of achievements niya. ‘Yung sa movie, action ‘yun, e. So, magkaiba talaga. Saka kanya-kanya kasi kami ng style sa pag-akting,” aniya pa.

Ang Saludo ay isang advocacy hero-serye mula sa Philippine National Police through the Police Community Relations Group (PCRG) and Leonora Sy ng LSY Productions.

Ayon kay Police Supt. Rodel Sermonia, ang programang Saludo ay para sa lahat ng mamamayang Pilipino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kasi marami tayong kababayan hindi lamang pulis, hindi lamang sundalo, hindi lamang government officials ang pwede nating bigyang-pugay ang kanilang mga ginagawa na may magandang impact sa ating community,” paliwanag ng opisyal ng PNP.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending